naghihintay. hinihintay. maghihintay. ayun, umasa sa wala.
mahirap talaga ang mag expect ng isang bagay na alam mo naman na hindi naman pwede. kahit na nag promise na sa’yo ang isang tao, ika nga “promises are meant/made to be broken, if not broken, eh SHATTERED into bits of tiny and miniscule pieces” naman. yung tipong wala nang chance para buo-in mo ulit. alam mo yun? parang kinakain ka ng buong-buo ng mga promises na tinanggap mo din naman ng buong buo. sa huli naman pala, walang kwenta ang promise. sa isip mo lang mabubuo ang promise at sa isip niya, sorry ka na lang wala akong promise na natutupad!
oo, naghintay ako. saan? sa wala. sa lahat ng tungkol sa’yo. oo, hinihintay ko. ‘yung tawag mo para itanong kung nasaan ako. kung ano ginagwa ko. oo, maghihintay ako. sa araw na magkaka-oras ka na rin sa akin.
oo, umasa ako. saan? sa wala? siguro?!…
ano nga ba? naghihintay ba ako? hinihintay ba ako? maghihintay ba ako? hindi ko sigurado eh, pero ang sigurado ko, UMAASA AKO SA WALA.
P.S. bangag ako nung sinulat ko ito kaya kailangan kong i-edit. pero ok na ako. sober na ulit.