go with the flow…

nahihirapan pa rin ako intindihin itong 4 words na ito. “go with the flow” paano nga ba? minsan kasi kahit na sinasabi mo na; “oo i’m going with the flow. alam ko ginagawa ko” eh nalulunod ka pa rin… masyado palang malakas ‘yung agos ng ilog, hindi mo namalayan na sumama ka na… ‘yung tipong kahit kumapit ka hinihila ka pa rin. at ang mas magandang gawin eh bumitaw ka na lang…

go with the flow? should i? would i? could i?

so magpapakalunod na lang ako? go with the flow pala eh… pero may salbabida naman ‘di ba? bakit pa ako magpapakalunod…

ah… ngayon alam ko na… pwede ka magpadala sa agos pero siguraduhin mo lang may salbabida ka… kasi kung pilitin ka man lunurin ng agos eh hindi ka mamamatay… hindi ka malulunod… makaka-ahon ka sa ibabaw para makahinga muli… para ma-enjoy mo ‘yung agos ng tubig… ‘yun naman ang mahalaga ‘di ba? ‘yung mag-enjoy ka sa ibabaw ng tubig habang ina-anod ka ng tubig kung saan man ito papunta…

so, ano? GO WITH THE FLOW NA!

P.S. siguraduhin na hindi sapa kundi ilog ang lalanguyan. siguraduhin din na hindi mabato ang ilog. mahirap na mauntog at maging duguan dahil sa mga nakaharang na bato.

2 Responses to “go with the flow…”

  1. ian Says:

    di rin. . . coming from you, YEAH GO WITH THE FLOW pero minsan nakakalimutan mo rin kaya go ka lang ng go so at the end sino bumanga banga sa batuhan? kw rin dpat go with the flow pero may caution at hindi salbabida un hahhahaha

  2. quicktimer Says:

    wahahaha. malaki naman yung dala ko na salbabida!

Leave a Reply