Archive for November, 2008

go with the flow…

Wednesday, November 26th, 2008

nahihirapan pa rin ako intindihin itong 4 words na ito. “go with the flow” paano nga ba? minsan kasi kahit na sinasabi mo na; “oo i’m going with the flow. alam ko ginagawa ko” eh nalulunod ka pa rin… masyado palang malakas ‘yung agos ng ilog, hindi mo namalayan na sumama ka na… ‘yung tipong kahit kumapit ka hinihila ka pa rin. at ang mas magandang gawin eh bumitaw ka na lang…

go with the flow? should i? would i? could i?

so magpapakalunod na lang ako? go with the flow pala eh… pero may salbabida naman ‘di ba? bakit pa ako magpapakalunod…

ah… ngayon alam ko na… pwede ka magpadala sa agos pero siguraduhin mo lang may salbabida ka… kasi kung pilitin ka man lunurin ng agos eh hindi ka mamamatay… hindi ka malulunod… makaka-ahon ka sa ibabaw para makahinga muli… para ma-enjoy mo ‘yung agos ng tubig… ‘yun naman ang mahalaga ‘di ba? ‘yung mag-enjoy ka sa ibabaw ng tubig habang ina-anod ka ng tubig kung saan man ito papunta…

so, ano? GO WITH THE FLOW NA!

P.S. siguraduhin na hindi sapa kundi ilog ang lalanguyan. siguraduhin din na hindi mabato ang ilog. mahirap na mauntog at maging duguan dahil sa mga nakaharang na bato.

ang kasabihan…

Sunday, November 23rd, 2008

mula sa aking kaibigan…

ang unang dalawang buwan up to one year eh dun malakas ang sexual lust natin sa mga gusto nating tao… tapos kung mabawasan na yung desire na yun at ayaw natin silang mawala sa buhay natin then that is considered “in-love”… being in-love eh hindi directly proportional sa kalibugan… tama ka, hindi man kayo nag-sex galore masyado pa din maaga para ma-consider mong in-love ka… sure merong electricity feeling kapag nag-hugs and kisses lang kayo, lagi mo siyang naiisip… ganyan naman lagi initially… then kapag unti-unti mo ng nakikilala medyo natu-turn off ka na kapag may natuklasan ka…. kung dadating sa point na sa kabila ng napakarami nyang kapalpakan at ka-turn-off-an eh gusto mo pa din siya, then “in-love” ka na nga… now it is too early…

ang masasabi ko lang… “AMEN! at SIYANAWA”

selos?

Saturday, November 22nd, 2008

siguro. medyo matagal ko din naman siya nakasama at tinetext. nung nakita ko na nakikipag-usap siya sa iba, aba parang napa-isip ako. pero dapat ganun eh. dapat bigyan ko ng pagkakataon na maging masaya. naks ang galing ng mga sinasabi ko. pero masaya naman.

tatlo lang kami kagabi. kulang ng isa barkada namin. masaya. kagabi na yata ang gabi ng halikan. halos lahat ng tao sa bar eh naghahalikan. ako man eh may nahalikan din pero hindi naman kasi siya iba saken [hugs and kisses anna! :)] malamang ‘di na maalala ni Anna. sabog na sabog siya kagabi. ahahaha.

basta, nagselos yata ako. siguro dahil mas matangkad ‘yun saken tsaka iba lahi nun! hahaha. basta.

naghihintay. hinihintay. maghihintay. ayun, umasa sa wala.

Friday, November 21st, 2008

mahirap talaga ang mag expect ng isang bagay na alam mo naman na hindi naman pwede. kahit na nag promise na sa’yo ang isang tao, ika nga “promises are meant/made to be broken, if not broken, eh SHATTERED into bits of tiny and miniscule pieces” naman. yung tipong wala nang chance para buo-in mo ulit. alam mo yun? parang kinakain ka ng buong-buo ng mga promises na tinanggap mo din naman ng buong buo. sa huli naman pala, walang kwenta ang promise. sa isip mo lang mabubuo ang promise at sa isip niya, sorry ka na lang wala akong promise na natutupad!

oo, naghintay ako. saan? sa wala. sa lahat ng tungkol sa’yo. oo, hinihintay ko. ‘yung tawag mo para itanong kung nasaan ako. kung ano ginagwa ko. oo, maghihintay ako. sa araw na magkaka-oras ka na rin sa akin.

oo, umasa ako. saan? sa wala? siguro?!…

ano nga ba? naghihintay ba ako? hinihintay ba ako? maghihintay ba ako? hindi ko sigurado eh, pero ang sigurado ko, UMAASA AKO SA WALA.

P.S. bangag ako nung sinulat ko ito kaya kailangan kong i-edit. pero ok na ako. sober na ulit.