sino nga ba siya?
Sunday, February 18th, 2007punyemas! may nakarating sa akin na text na iniimbitahan ako sa isang bertdey party ng isang hindi ko naman kilalang tao. malamang karamihan sa inyo ay kilala na siya. yup siya ay walang iba kundi si Ederlyn.
ano ba ang pinagsimulan ni Ederlyn? eto ang pinagsimulan niya…
Uy birthday daw ni Ederlyn. Invited tayo. Punta tayo ah! text text na lang
<scroll down ng marami>
Sino ba si Ederlyn? Di ko rin kilala eh. Sinend lang sakin.
iyan ang text ng isang mahiwagang texter na hanggang ngayon ay hindi pa kilala. kung sino man ang nakakakilala kay Ederlyn, sorry hindi ako nakapunta kasi hindi ko naman alam kung saan ginanap ang iyong munting piging na balita ko ay nilangaw naman. siguro kahit sino naman na mag-daos ng kaarawan sa hindi mahanap na lugar ay talagang lalangawin. sa susunod kasi ay sabihin mo kung saan ang venue para naman hindi ka na langawin.
sa sobrang pagkasikat ni Ederlyn ay nailathala pa sa Tabloid ang kanyang "NILANGAW" na munting piging. kaawa-awa naman di ba? tsk tsk tsk.

