Archive for December, 2006

NINAKAW CELL PHONE KO!

Saturday, December 16th, 2006

"Ang pasko ay sumapit… sa cellphone ko ay may sumungkit!"

bwisit! kaawa-awa ang pasko ko. buti na lang nakabili na agad ako ng bago. nawala lahat ng pinag-ipunan ko. huhuhu.

i have a new sim now. i’ll just text yung mga kakilala ko. sige.

something to think about.

Saturday, December 9th, 2006

"mapang-husga ang mundong ginagalawan natin, madalas ang tinitingnan natin ay ang pisikal na anyo o kilos ng isang tao. mawala man ang lahat maging ang katinuan ng pag-iisip pero hindi ang kakayahan nating magmahal dahil iyon lang ang nanggagaling sa kaibuturan ng ating mga puso."

"puno man ng suliranin at balakid ang buhay na itinakda sa atin ng kapalaran, ang pagkakaroon ng positibong pananaw ang siya pa ring nagpapalutang sa nakakubling tunay na kagandahan nito."

"sa totoo lang love works beyond our expectations. yung mga nakikita nating imposible, nagiging posible pagdating sa pag-ibig. siguro dahil when we really fall in-love, hindi mata ang ginagamit natin kundi ang ating puso. and it is only through our heart that we see the real beauty of a person. ang kagandahang wala sa pisikal na anyo kundi nakatago sa kanyang pagkatao."

"hindi sukatan ang haba ng panahon na inilagi natin sa mundo upang masabing naging makahulugan at maganda ang ating buhay. ito ay nasusukat sa kung paano natin hinarap ang mga tagumpay at pagsubok na siyang humuhubog sa ating pagkatao."

Image623"alin nga ba ang mas matimbang na pagmamahal? yung handang ipaglaban ang pagmamahalan? o yung handang isakripisyo at talikuran ito kapalit ang kaligayahan ng minamahal?"

"kapag tinatanong ako kung paano ko nasiguro na mahal nga kita ay sinasagot ko, iisa lang ang sigurado. sa’yo ko lang gustong mangako ng pag-ibig na walang hanggan. gusto ko maniwala ka na may pagmamahalan na kayang higitan pati kamatayan. sa’yo ko lang kayang sabihin, na umasa ka na walang hindi kayang tiisin ang pag-ibig."

it’s over!

Saturday, December 2nd, 2006

huwag ka na gumawa ng mga istorya. tapos na eh.

huwag ka na gumawa ng mga kakaibang bagay. tapos na eh.

huwag ka na magmaka-awa. tapos na eh.

huwag ka na tumawag or mag-text. tapos na eh.

huwag mo na palabasin na ako ang masama. tapos na eh.

tapos na ako kumain! kaya huwag mo na ako guluhin dahil tatae naman ako!