haven’t been on the friendster circle for a long time. but now i’m back!
para sa aking mga kaibigan na hindi pa nakakatanggap ng mensahe o imbitasyon galing sa akin, IDAGDAG nyo na lang ako.
insomniac na yata talaga ako. late na ako, i mean, umaga na ako natutulog. ewan ko ba kung bakit, pwede na nga yata ako pumasok sa call center.
musta na ba ako? eto single pa rin. may trabaho na (at last). so far enjoying it, pressured nga lang pero kaya pa naman.
tagal ko na rin hindi nakaka-travel, almost 2 months na. yung last travel ko nagpunta ako sa Manaoag, Pangasinan, then dumiretso ako sa Baguio, BALIKAN! kaya nyo yun? after work direcho na agad sa Cubao. siyempre may tulog naman sa bus pero saglit lang, then pagpunta ko sa Baguio (na sobra kong na-miss) ay nag-UK ako ng jacket (sobrang lamig kasi sa work) i bought 3 for just 500 bucks! tapos ayun, uwi na, wala nang ligo-ligo, nag-shampoo lang ako ng buhok sa pang-disabled CR ng Chowking Manaoag (hehehe). then pasok na kinabukasan.
kahapon pala nag-shower ako sa gym, siyempre after work, punyemas puro HOT WATER ang natira pakiramdam ko tuloy eh baboy na binanlian ng mainit na tubig para matanggal ang balahibo. kanina naman puro COLD WATER, so pantay na.
sige ang gulo na ng kwento ko, sa susunod na lang ulit, walang kwenta na nasusulat ko, ang importante I’M BACK!